Ano ang kakaiba sa isang batang may pambihirang sakit?
Tuklasin ang sagot sa tanong na ito habang nakikipag-usap kay Evren tungkol sa kanyang natutunan habang lumalaki na may pambihirang sakit.
Ang aklat na ito ay isinulat nang magkatuwang na mag-ina na nagbubukas ng makabatang talakayan tungkol sa pagkakakilanlan, pagsasama, at konsepto sa sarili sa likod ng mga hamon at kagandahan ng pamumuhay ng may pambihirang sakit. Ang mga aral mula sa mga karanasan ng may-akda sa kanyang paglaki na may pambihirang sakit ay nag-aalok sa mga batang mambabasa ng balangkas para sa pag-unawa sa personal na pagkakakilanlan at kung paano makakatulong ang kanilang mga pambihirang sakit na hubugin ito sa mga positibong paraan. Inaanyayahan ang mga miyembro ng pamilya at tagapag-alaga na makibahagi sa pag-uusap na ito at upang ipasadya ang pagbabasa ayon sa mga pangangailangan sa pag-unlad ng bawat batang mambabasa. Ang aklat na ito ay sinamahan ng sensitibo ngunit makatotohanang mga guhit na nilikha ng award-winning artist at ilustrador ng aklat na pambata na si Ian Dale. Ang taos-pusong mga mensahe na ipinakilala sa Pambihira! ay inilaan upang pasiglain at hikayatin ang sinumang mga bata na may mga pambihirang sakit na mabuhay ng pinakamahusay na buhay nila.