Agad na kinontak ni Reynold ''Rey'' Ventura, isang hardware owner, ang mga kaibigan ng anak niyang si Alison, isang gabing hindi ito umuwi. Pero lahat sila, walang ideya kung saan ito naroon. Mula sa isang unsent message ng anak sa Facebook Messenger, sisimulang pagtagpi-tagpiin ni Rey ang mga pangyayari. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Benjo, isang ''BPO Yakuza'' kung tagurian, tutuntunin nila ang kinaroroonan ni Alison. Sa biyaheng ito, matutuklasan nila ang tunay na silbi ng martilyo.
------------
"Sino ang biktima, sino ang nambiktima sa kriminal na biktima rin lamang? At ang kay Vivo ang pinakamarahas, ang dehumanisasyon, ang pambibiktima ng tao sa kapuwa." -- Jun Cruz Reyes