Ito ay kabuuan ng makasaysayan at kakaibang tula na nagbibigay ng magandang aral at asal sa sanlibutan, sa araw-araw ng paghaharap ng hamon sa buhay.
Sa mundo ng tula ay nakakabit ang salitang makata . Nasa isip ng tao at ang palagay ng tao ay kapag ikaw ay mahilig gumawa ng tula ay isa ka nang makata. Ang makata ay isang taong malikhain, matalino at may malayong pagtingin, (view or insightful.) Sa madaling salita ay ang English ng makata ay "poet." Ang isang tula ay hindi palaging may "rhyme" ang dulong salita ng bawat linya, o magkasintunog ang mga huling salita. Maaari din na kahit hindi "rhyme" ay puwede rin ang "free flow" o "free verse"na tinatawag.
Sa pagkakataong ito ay mararanasan ninyo ang kakaibang tula. Ito ay nabanggit na sa " Paunang Hiwatig.. May bilang ang tulang ito bukod sa makasaysayan ang kabuuan ng tula. Isa sa pinakaunang "Haiku"na aking ginawa ay may pamagat na "Pasukan Na" Nagkataon naman na panahon na naman ng pasukan. Sinundan ito ng tungkol sa "Ina", kaibigan, at tungkol sa iba't-ibang uri ng hayop at meron ding tungkol sa kalikasan at marami pang iba.
Hindi naman ako eksperto sa pagsasalita ng Tagalog, pero laki akong Maynila at wala kaming probinsya at nakagisnan ko ang puro Tagalog na salita Ang pinakamahalaga sa aking pagsusulat ng haiku ay isinasapuso ko
ang haiku, at isinasaisip ko ang bawat lumabas sa aking bibig at may pag-iingat na hindi ako makasakit.
Pinag-ukulan ko ng pansin ang kagandahan ng bawat salita. Ako ay nagpapasalamat sa malawak na kaalamnan na iginawad sa akin ng ating Panginoon. Ang sarap ng pakiramdam na maging isang Pilipino.